OAKLAND, California (AP) — No. 1 priority ni Tyronn Lue para kay LeBron James at sa kanyang Cleveland Cavaliers sa Game 2 ng NBA Finals: Stop the ball.
‘Yun ang una, sunod ay siguruhin na may nambubulabog sa mukha ng Golden State sharpshooters.
Ibig sabihin: Gawin lahat para pigilan si Kevin Durant na rumagasa sa paint para dumakdak na wala man lang sumasalubong.
“Well, I’m pretty sure that won’t happen tomorrow,” natatawang pahayag ni Durant nitong Sabado. “They will be way more physical. They’re going to be way more aggressive in the pick-and-roll on the offensive end and defensively. They’re going to try to get their 3-point shooters going and rebound the ball. They’re going to try to get more offensive boards.”
Iyon ang plano ng defending champions Linggo ng gabi sa Oakland sa misyon nilang itabla ang best-of-seven series pambawi sa 113-91 hagupit na natikman sa Warriors noong Huwebes.
Umiskor si Durant ng 38 points at napadali ang mga dunks, anim na beses sa first half lang at karamihan ay wala man lang siyang nasalubong na oposisyon pag-atake sa rim.
“We can’t let Durant get easy baskets like that,” giit ni Lue.
Inalat sa 20 turnovers ang Cleveland sa opener, Finals low ang four ng Warriors. At kapag nag-init si Klay Thompson, problemang malaki na naman sa depensa ng Cavs.
Depensa kina Durant at Stephen Curry na may combined 66 points at 18 assists.