Isang batas sa North Carolina na may limitadong anti-discrimination protections sa estado ang nagtulak sa NBA na ilipat ng lugar ang 2017 NBA All-Star Game mula sa Charlotte.

Pinahayag ni league commissioner Adam Silver kahapon (Manila time) na binalaan niya noong isang buwan ang NBA Finals at muli sa maaga ng kasalukuyang buwan na ang batas, na nagpagalit sa mga gay at transgender community, ang maghudyat sa nasa­bing kilos.

Ilan sa problema ng NBA at mga kritiko ng House Bill 2 (HB2) ay ang pag-aatas sa transgender people na gumamit ng public restrooms ayon sa sex listed sa kanilang birth certificates at nag-alis sa gay at transgender people sa discrimination protection.

“While we recognize that the NBA cannot choose the law in every city, state, and country in which we do business, we do not believe we can successfully host our All-Star festivities in Charlotte in the climate created by HB2,” esplika ni Silver.

“The NBA will make an announcement on the new location of the 2017 NBA All-Star Game in the coming weeks.”

Inalis na rin ng liga ang mga laro sa Charlotte sa pag-asa makapag-schedule na lang sa taong 2019 kung masusulus­yunan na muna ang nasa­bing bagay.