BOSTON — Matapos mahagupit ang Boston sa Eastern Conference finals opener, kumpiyansa pa si Isaiah Thomas na makakabalik ang Celtics sa Game 2.

“We’re not scared of Cleveland,” aniya. “They’re not the Monstars. They’re not on ‘Space Jam.’ Like, they lace up their shoes just like us. They just happened to play better than us in Game 1.”

Pero heto ang Game 2.

Ang 130-86 victory ng Cleveland Biyernes ng gabi ang worst home playoff loss ng Celtics, at mababa lang ng three points sa franchise playoff-worst, 47-point loss sa Game 1 ng 1995 first round kontra Orlando.

Ang 130 points ng Cleveland ang most scored ng prangkisa sa isang playoff game, at uuwi ang Cavaliers na kipkip ang 2-0 series lead.

Sa first half lang ng Game 2 sumalang si Thomas, naupo sa final 24 minutes dahil sa right hip strain. Tumapos siya ng two points sa loob ng 18 minutes.

Tinapos ng Cavs ang first half sa ikinasang 34-11 run.

Sa buong game tumira lang ng 37 percent (32 of 86) mula sa field ang Boston at 29 percent (8 of 27) sa labas ng arc. May 21 turnovers ang Celtics na nagresulta sa 23 Cleveland points.

“It’s honestly just embarrassing,” wika ni guard Avery Bradley.

Ang Game 1 win ng Cleveland ay mula sa two-man operation nina LeBron­ James at Kevin Love na palitan sa pagsalansan ng puntos laban sa depensa ng Boston na walang naisagot sa dalawa.

Sa Game 2 ay pinakita ng Cavaliers ang buong arsenal.

Muling inari nina James at Love ang defenders ng Celtics, umiskor ng 30 at 21. Ang ikatlong miyembro ng Big Three ng Cleveland na si Kyrie Irving, nakisali rin sa 23 points mula sa 8 of 11 shooting. Ang Cavs ay 19 of 39 sa 3-point line.

Game 3 ay Linggo ng gabi sa Cleveland.