NBC, ESPN throwback kay Jordan

Dalawampu’t limang taon na ang nakakaraan, nabago ang landscape ng NBA sa dalawang salitang binitawan ni Michael Jordan: “I’m back.” Ibinalik ng NBC Sports Chicago at ESPN ang pinakamalaking balita sa NBA noong March 18, 1995, Sabado.

Tinapos ni Jordan ang 17 month retirement at panandaliang stint sa minor leagues ng baseball para bumalik sa Chicago Bulls at sa basketball.

Nasa Chicago White Sox si Jordan noon, maayos naman ang training. Pero kaysa ituloy ang career sa diamond, binalikan niya ang hardcourt.

Pagkatapos ng unang three-peat ng Chicago, nagretiro ang No. 23. Kasunod non ay nangulelat ang Bulls.

Nagbabalak na noon si Scottie Pippen na umalis, handa na rin siyang ihatid sa exit door ni Phil Jackson. May strike din noon ang MLB.

Bigla, na-facility na raw ng Bulls si Jordan. Pasikretong nakikisali sa early-morning practices ng team.

At noong March 18, nag-fax siya sa Bulls ng simpleng announcement: “I’m back.” Dumayo ng Indiana ang Bulls noon, wala si Jordan sa team plane pero humabol. (VE)