NBI humirit ng 20-araw sa korte

nbi-building

Humirit ng karagdagang panahon ang ­National Bureau of Investigation (NBI) sa piskalya na may hawak ng kaso ng dinukot at pinatay na Koreano trader na si Jee Ick Joo para magsumite ng ulat kasunod ng inutos na reinvestigation ng Angeles City Regional­ Trial Court.

Base sa dalawang pahinang manifestation, humirit ng 20-araw o hanggang Pebrero 28 ang NBI para magsumite ng ulat.

Ayon sa NBI, ito umano ay para matiyak na komprehensibo at sistematiko ang magiging resulta ng kanilang pagsisiyat at makapangalap pa ng karagdagang mga ebidensya.

Sa pagdinig na pina­ngunahan ni Senior ­Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera noong Pebrero 3, 2017, binigyan lamang nito ng limang araw o hanggang Pebrero 18 ang NBI at Philippine National Police (PNP) ­para magsumite ng ulat.