Sisilipin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso ng pagpaslang sa kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez na si British-Filipino Maria Aurora Moynihan na binaril at napatay noong Linggo ng madaling-araw sa Quezon City.
Kinumpirma ng NBI Anti-Illegal Drugs Division na nangangalap na sila ng ebidensiya na magli-link sa mga suspek.
“Kung ako ang tatanungin mo, drugs ang motive niyan kasi meron na siyang history nun,” ayon sa NBI, insider na tumanggi munang magpabanggit ng pangalan dahil gusto umano muna nilang makatiyak.
Pinayuhan din ng NBI, ang Quezon City Police na mag-concentrate at mag-imbestiga sa lugar kung saan binaril si Moynihan.
Sa kasalukuyan, mayroon na umanong mga assets ang NBI na nagtatrabaho para sa kaso ni Moynihan.