Inatasan na ng Palasyo ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pananambang kay dating Cebu City Assistant City Prose­cutor Mary Ann Castro noong Enero 17.

Nagpahayag din ang Palasyo ng galit dahil sa brutal na pagpatay kay Castro.

“We are outraged by the brutal and brazen ambush of former Cebu City Assistant Prosecutor Mary Ann Castro,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sinabihan naman ng Malacañang na pag-aralan ng Philippine National Police kung may pagkakamali sa kanilang panig kaugnay sa nangyaring pananambang sa insidente para maparusahan ang mga may kagagawan ng krimen.

Naganap kasi ang pamamaslang sa panahon na ipinatutupad ang election gun ban.

Tiniyak din ni Panelo sa pamilya ng biktima na makakamit nila ang hustisya.