NBI nakatutok na sa serye ng Chinese kidnapping

Tinututukan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang serye ng kidnapping laban sa mga Chinese national.

Nabatid na nakikipag-ugnayan na rin ang gobyerno ng China sa NBI para maresolba ang sunod-sunod na kidnapping incident na kinasasangkutan ng kapwa nila Tsino.

Kalimitan nang motibo ng pagkidnap sa mga Chinese national ay may kinalaman sa hindi nababayarang utang sa casino at upang makabayad ay kinikidnap ang biktima at ipinatutubos sa kanilang mga kaanak sa China.

Bukod sa kasong kidnapping, tinututukan din ang pagkakasangkot sa online gambling at cybercrime gayundin ang ilang kaso ng suicide at pagkakasangkot sa ilang krimen. (Juliet de Loza-Cudia)