Sigurado umanong magiging fair at neutral kung ang National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro, ayon kay Senador Richard Gordon.

“I support the President for investigating the police through NBI so that there would be fairness and neutrality. People have to be assured that police followed rules and did not violate law,” pahayag ni Gordon, chairman ng Senate justice and human rights committee kahapon.

Si Navarro, kasama sa ‘narcolist’ ng gobyerno, ay napatay sa isang ambush sa Cebu City noong Biyernes habang dinadala sa City Prosecutor’s Office.

Nangyari ang ambush isang araw matapos umanong suntukin ni Navarro ang isang massage therapist.

Inutusan ni Duterte ang Philippine National Police na itigil na ang pag-imbestiga sa pagkamatay ni Navarro at inatasang ibigay na lang ang mga ebidensiya sa NBI. (Dindo Matining)