NBI pasok sa imbestigasyon sa Lubigan slay

menardo-guevarra

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng sariling imbestigasyon kaugnay sa pagpaslang kay Trece Martires Vice Mayor ­Alexander Lubigan.

Ang nasabing opisyal ay binaril noong Sabado sa harap ng isang ospital sa Barangay Luciano, Trece Martires City.

Sa direktiba ni Justice Secretary Menardo Guevarra kay NBI Director Dante Gierran, pinaalam nito kung ang pagpaslang kay Lubigan ay may kaugnayan sa mag­kasunod na pagpaslang kina Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Nabatid na si Lubigan, ang ikatlong local government official na napatay ngayong buwan lamang.

Nagpahayag naman ng pangamba si dating Solicitor General Florin Hilbay na baka gamitin ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang serye ng pagpatay sa mga lokal na opisyal ng gobyerno upang mabigyan ng rason ang deklarasyon ng Martial Law sa buong kapuluan.

Sinabi ni Hilbay na ginamit ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang pekeng ambush sa kanyang defense secretary upang ideklara ang Martial Law sa bansa kaya’t hindi malayong sakyan naman ni Pangulong Duterte ang serye ng patayan para maidek­lara ang batas militar.

“I think the publi­c should be worried about the possibility that these killings might be used by the President himself as justification or in operationalizing what he wants which is declaring Martial Law,” wika ni Hilbay nang maging guest ng ANC nitong Linggo.