Pinalakpakan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagkakahuli sa vice president ng Metrobank na sangkot sa fake account na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso.

Ayon kay Makati Rep. Luis Campos Jr., nararapat lamang ng papurihan ang NBI dahil nahuli ng mga ito ang suspek na si Ma. Victoria Lopez bago pa man ito nakakalis ng bansa.

“We are all somewhat relieved that the suspect is in the custody of the authorities, and not in a foreign territory where we might have had a problem getting her back,” ani Campos.

Sinabi ng mambabatas na marami nang tinatawag na white-collar offenders na nakapagtakbo ng malaking halaga ang hindi napaparusahan dahil bago pa man natuklasan ang kanilang anomalya ay nakaalis na ang mga ito ng bansa.

Inihalimbawa ng mambabatas ang kaso ni Manuel Amalilio, ang utak sa Aman Futures Group Philippines Inc., scam at nagtakbo ng P12 billion na pera ng mga biktimang Filipino. Bago natuklasan ang ano­malya ay nakapunta na ito sa Malaysia.