Idineklara ng Muntinlupa City Health Office (MCHO) na malinis at ligtas ang tubig na ginamit ng Mang Kiko Catering Services, Inc. (Mang Kiko) sa pagluluto ng pagkaing kanilang inihain sa mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP).
Sa inilabas na resulta ng pagsusuri ng MCHO noong Mayo 31, lumalabas na pasado sa water sampling for bacteriological analysis ang tubig na ginamit ng Mang Kiko habang bagsak sa pagsusuri ang water sampling na kinuha ng lupon sa ilang deep well sa loob ng NBP.
Ipinalabas ng MCHO ang resulta matapos sisihin ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) at ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang Mang Kiko sa diarrhea outbreak sa NBP noong May 27.
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, ang legal counsel ng Mang Kiko, kuwestiyunable ang timing ng outbreak dahil na rin ito sa isinagawang bidding ng BuCor para sa catering services na, aniya, ay puno ng iregularidad.
Samantala, hanggang ngayon, tumatanggi pa rin si Director General Benjamin delos Santos, pinuno ng BuCor, na aksiyunan ang notices of award at contracts para sa Mang Kiko nang walang anumang legal na kadahilanan.
kasama diyan si Aguirre at Duterte…napakalaking pera niyan at legal na pera para hindi pasukan ni Aguirre. Kaya siyempre gagawa ng dahilan si Aguirre para maagaw ang catering ni Mang Kiko at mapunta sa kanya at kung sino mang kaibigan ni Aguirre at Duterte. Tutukan natin ang susunod na mga kabanata nito at batukan si Aguirre kung talaga ngang may maitim na balak ang GUNGGONG na ito.