NCAA: 13-game streak itataya ng Lyceum

Mga laro ngayon (FilOil Flying V Centre)
2:00 p.m. – SSC-R vs. Letran (srs)
4:00 p.m. – Lyceum vs. EAC (srs)

Nasa 13-game winning streak na ang Lyceum pero hindi ito garantisado na makakamit nila ang inaasam na titulo.

Kaya naman para kay Pirates ace CJ Perez kailangan pa nilang doblehin ang trabaho sa kanilang mga ensayo.

“Sa 13-0 hindi naman guarantee na makukuha namin ang championship, pero nandito na tayo eh, kaila­ngan namin dagdagan ng effort sa mga practice at sa game din,” wika ni Perez.

Ngayong araw, sisikapin ng Intramuros-based squad na sikwatin ang pang-14 na panalo laban sa EAC sa pagpapatuloy ng 93rd NCAA basketball sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

“We have a vision to go to. If we’re goal-oriented, our goal is to make it to the Final 4. But we have to go past beyond that,” saad ni Lyceum coach Topex Robinson.

Apat na puntos lang ang nilamang ng Pirates nang talunin nila ang Generals 97-93 sa first round ng eli­mination.

Sunod na makakalaban ng Lyceum ang San Sebastian College, Letran sa October 6, JRU (Oct. 13) huli ang San Beda College (Oct. 19).

“It’s gonna be a tough battle from here on because we’re gonna play the tough teams from here on, so, again, every experience that we could get is very important to us,” wika ni Robinson.