NCAA 92: Karambola sa F4

Mga laro ngayon (MOA Arena)
2:00 p.m. — San Beda vs. Perpetual
4:00 p.m. — Arellano vs. Mapua

Twice-to-beat ang San Beda at Arellano sa Final Four ng 92nd NCAA men’s basketball tournament pero hindi nangangahulugan na magiging madali ang panalo nila.

Makakatapat ng No. 1 Red Lions ang No. 4 Perpetual Help Altas sa unang laro sa Mall of Asia Arena, sunod ay haharapin ng No. 2 Chiefs ang No. 3 Mapua Cardinals.

Makakalaro na si Nigerian star Bright Akhuetie para sa Altas.

Binigyan ng Perpetual management si Akhuetie ng one-game suspension dahil sa inasal nito sa practice na nagresulta ng hindi pagkakaunawaan kay team consultant Nosa Omorogbe.

Magtutulong sina Akhuetie at 6-foot-11 Prince Eze para samantalahin ang butas ng San Beda.

Nagkaroon ng ACL injury sa kaagahan ng second round si big man Donald Tankoua kaya nabawasan ng malaki ang Red Lions.

Inaasahang magpapahirap sa Arellano ang pambato ng Cardinals na si reigning MVP Allwell Oraeme.