Pangungunahan ni Rey Nambatac ang West laban sa East sa NCAA All-Star Game sa The Arena sa San Juan mamaya.

Pero may iba pang tungkulin ang pambato ng Letran na si Nambatac, ang panatilihin ang korona ng three-point shootout sa kanilang eskuwelahan.

Bakante ang trono dahil ang nagkampeon ng nakaraang taon na si Mark Cruz ng Letran ay nagla­laro na ngayon sa PBA.

Si 5-foot-11 Nambatac ang panlaban ng Knights para manatili ang titulo sa Letran pero paniguradong mapapalaban siya kay last year’s runner-up Wilson Baltazar ng Lyceum.

Puro subok nang sni­pers din sa labas ng arc ang ibang kalahok na sina AC Soberano ng San Beda, Zach Nicholls ng Arellano, Carlo Young ng Benilde, Jervin Guzman ng EAC, RK Ilagan ng San Sebastian, McKevin Velasquez ng Perpetual, Exeqiel Biteng ng Mapua at Paolo Evardo ng JRU.

Kakampi ni Nambatac sa West sina fellow Knights McJour Luib at Jomari Sollano, Darell Menina, Andrew Estrella at Exe Biteng ng Mapua, Ian Alban, MJ Ayaay at Wilson Baltazar ng Lyceum of the Phi­lippines, Jorem Morada, Francis Munsayac at Sidney Onwubere ng EAC at JJ Domingo, Yankie Ha­runa at Christian Fajarito ng Benilde.

Panargo ng team East si Jio Jalalon ng Arellano kasama si teammate Kent Salado, Bright Akhuetie ng Perpetual, Davon Potts, Dan Sara at Do­nald Tankoua ng Beda at Teytey Teodoro at Paolo Pontejos ng JRU.

Magkakaroon din ng slam dunk competition para pasayahin ang fans.