Mga laro ngayon (FilOil Arena, San Juan)
8:00 a.m. — CSB vs. Arellano (jrs)
10:00 a.m. — Lyceum vs. Mapua (jrs)
12:00 noon — CSB vs. Arellano (srs)
2:00 p.m. — Lyceum vs. Mapua (srs)
4:00 p.m. — EAC vs. Perpetual (srs)
6:00 p.m. — EAC vs. Perpetual (jrs)

Sinagasaan ng Lyceum of the Philippines ang lahat ng tigasing teams sa 93rd NCAA basketball tournament, kabilang ang defending champion San Beda College.

At dahil kalaban ng Pirates ang problemadong Mapua, hindi malayong mawawalis nila ang first round elimination sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Nasa unahan ang Pirates (8-0), nasa kailaliman ang Cardinals (1-6).

Sa huling laro ng Intramuros based squad, umahon sa 17-point deficit ang Pirates para sikwatin ang pang-walong panalo kontra Letran noong Biyernes.

Kulang pa sa tao ang Mapua, wala ang kanilang pambatong si Andoy Estrella.

“Again we’re heading into this game looking to inspire people. We want to play to inspire, to be an inspiration to the people who’ll be watching us,” ani assistant coach Jeff Perlas. “We just want to continue to play the game right. A sweep would be nice but our focus is to conti­nue to play the right way,”

Napatawan ng one-game suspension si LPU head coach Topex Robinson nang talunin ang Emilio Aguinaldo College 97-93 sa EAC Gym noong Agosto 10.

Si Robinson na muli ang hahawak sa Pirates.