Mga laro ngayon (San Sebastian Gym, Quiapo)
2:00 p.m. — San Sebastian vs. JRU (jrs)
4:00 p.m. — San Sebastian vs. JRU (srs)

Sasandal sa depensa ang JRU para palakasin ang kapit sa magic four sa 93rd NCAA basketball.

Sa 4-3, nasa No. 4 ang Heavy Bombers at dadayuhin ang nasa fifth na San Sebastian College (4-4) mamaya sa teritoryo ng Stags sa Quiapo, Manila.

Ngayong season, pinakamalupit sa depensa ang JRU na may league-best 62.9 points per game na ibinibigay sa kalaban.

Kina Teytey Teodoro at Jed Mendoza naman sasandal ang Kalentong-based squad sa opensa, may average na 13.1 at 12.4 points per game.

“Our defense is our offense,” ani Bombers mentor Vergel Meneses.

Nakatuon ang Stags sa pagsilo ng back-to-back wins kahit wala ang pambatong si Michael Calisaan na napatawan ng one-game suspension.

Itinapon sa labas ng playing court si Calisaan sa panalo ng Baste sa EAC 75-73 noong Biyernes sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Si Calisaan ang best scorer at rebounder ng Stags sa isinusumiteng league fifth best 16.5 points at nine rebounds sa walong laro.