Mga laro ngayon (Rizal Football Field)
8:00 a.m. — Arellano U vs. Letran (jrs)
10:00 a.m. — San Beda vs. St. Benilde (jrs)
12:00 noon — Arellano U vs. Lyceum (srs)
2:00 p.m. — San Beda vs. St. Benilde (srs)

Dalawang titulo ang target ng San Beda ngayong araw sa 92nd NCAA football tournament sa Rizal Football Field.

Nakatuon sa seniors at juniors crowns ang mga taga-Mendiola pagharap nila sa College of Saint Benilde at La Salle-Greenhills.

Masisikwat ng Red Booters ang 22nd seniors crown kapag nagapi nila ang Blazers.

“We’ve been looking forward to this game because we know this will be the most important match of the season for us,” ani SBC coach Michael Pediamonte.

Sa huling laro ng San Beda, kinalos nila ang last year’s title holder Arellano University Chiefs, 1-0 noong Huwebes.

Wala pang talo sa 11 salang ang Red Booters kasama ang dalawang laro sa Final Four.

Malinis naman sa dalawang laro sa F4 ang St. ­Benilde na hangad manalo para makahirit ng one-game title duel sa San Beda.

Sakaling manalo ng SBC juniors squad sa La Salle-­Greenhills ngayong umaga, masusungkit nila ang pang-17 kampeonato.