Mga laro ngayon (FilOil Arena, San Juan)
12:00 noon — EAC vs. Arellano (jrs)
2:00 p.m. –EAC vs. Arellano (srs)
4:00 p.m. — Mapua vs. St. Benilde­ (srs)
6:00 p.m. — Mapua vs. St. Benilde­ (jrs)

Parehong uhaw sa panalo ang Mapua at College of Saint Benilde, ina­asahang lahat gagawin para maiwasang mabaon nang todo sa ilalim ng 93rd NCAA basketball tournament.

Tangan ang tig 1-4 karta, magbaba­natan ang Cardinals at Blazers mamaya sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Puntirya naman ng Emilio Aguinaldo College ang third spot laban sa last year’s runner-up Arellano University sa unang sultada ng seniors division.

Sasandalan ng Generals (2-2) ang panalo sa huling laro kontra Cardinals 77-72, nais ng Chiefs (2-3) na bumangon mula sa 82-75 pagkakadapa sa Letran.

Pamumunuan muli ni Sydney ­Onwubere ang opensa ng EAC mula sa nilistang 22 points kasama ang clutch 3 sa huling panalo ng Generals.

“We have a veteran squad and it’s a matter of getting that will to win,” hayag ni EAC coach Ariel Sison.

Hindi rin basta-basta magpapadaig ang Chiefs dahil nais din nilang bumalik sa top four.