Mga laro ngayon:
(Filoil Arena, San Juan)
8 a.m. — EAC vs. UPH (jrs)
10 a.m. — LPU vs. MU (jrs)
12 noon — EAC vs. UPH (srs)
2 p.m. — LPU vs. MU (srs)
4 p.m. — CSB vs. AU (srs)
6 p.m. — CSB vs. AU (srs)

Misyon ng Lyceum of the Philippines na makalaro sa championship round at para maabot ang kanilang pangarap ay kailangan nilang manalo nang manalo sa kanilang mga laban sa 93rd NCAA basketball tournament.

Solo sa ibabaw ng team standings ang ­Pirates kapit ang malinis na apat na ­panalo, haharapin nila ngayong alas-dos ng hapon sa Filoil Arena sa San Juan ang nagkukumahog na Mapua University.

Tangan ng Cardinals ang 1-3 karta at dahil sa ganda ng inilalaro ng Lyceum ay liyamado sila sa laban.

“The championship is there but is not within our reach. We need to win more games to get there,” saad ni LPU coach Topex Robinson.

Naging biktima ng Intramuors-based squad LPU ang Jose Rizal University, San Sebastian College, last year’s runner-up Arellano University at defending champion San Beda College.

Samantala, umatake ang bagyong Gorio kahapon at dahil sa lakas ng buhos ng ulan napilitang ikansela ang mga laban sa juniors at seniors teams ng San Sebastian College at Jose Rizal University na gaganapin sana sa Gym ng Baste sa Quiapo, Manila.

Simula madaling-araw kahapon, walang patid ang pag-ulan hanggang umaga kaya nagdesisyon ang NCAA MANCOM na huwag ng ituloy ang mga nakaiskedyul na laro.

“Due to bad weather and suspension of classes, the NCAA games today (yesterday), July 27, are cancelled,” saad ni NCAA management committee chairman Fr. Glyn Ortega, OAR, ng Season 93 host San Sebastian.

Ayon kay Ortega ang naantalang mga laro ay ikakasa na lang sa dulo ng first round ng elimination.