Mga laro ngayon (EAC Gym)
2:00 p.m. — EAC vs. Lyceum (jrs)
4:00 p.m. — EAC vs. Lyceum (srs)

Eekisan ng Lyceum of the Philippines ang pampitong panalo laban sa Emilio Aguinaldo College sa pagdayo ng Pirates sa kuwadra ng Generals sa EAC gym sa fourth playdate ng NCAA on Tour mamaya.

Una sa pulutong ng 93rd NCAA basketball tournament ang mga taga-Intramuros na wala pang bangas sa anim na laro, huling biktima ang Perpetual, 76-58, noong Biyernes.

Bigatin ang EAC na kakabambo lang sa last year’s runner-up Arellano University, 85-79, noong Martes para sumampa sa solo third sa likod ng No. 2 San Beda (5-1).

“We want to be the first team to beat Lyceum,” deklara ni EAC coach Ariel Sison.

Wala lang sa Generals si Hamadou Laminou dahil nagka-left knee injury ang 6-9 Cameroonian sa first quarter ng kanilang last game. Hiwalay pa ang injury sa MCL (medial collateral ligament) injury na nakuha niya last summer.

Kay Sydney Onwubere muli sasandal­ ang EAC pagkatapos niyang maglista ng 17 points tampok ang apat na 3-pointers, 14 rebounds, three assists, three blocks at steal sa huling laro.