Mga laro ngayon (FilOil Arena, San Juan)
8:00 a.m. — Mapua vs. EAC (jrs)
10:00 a.m. — Arellano vs. Lyceum (jrs)
12:00 noon — Mapua vs. EAC (srs)
2:00 p.m. — Arellano vs. Lyceum (srs)
4:00 p.m. — San Beda vs. Letran (srs)
6:00 p.m. — San Beda vs. Letran (jrs)
Target ng Lyceum of the Philippines na manatili sa tuktok ng standings pagharap sa Arellano sa 93rd NCAA basketball tournament sa FilOil Arena sa San Juan.
Tinarak ng Pirates ang pangatlong sunod na panalo nang pasukuin ang San Sebastian, 78-73, noong Biyernes, at ang panalo sa Chiefs ngayon ang magpapalakas ng kapit nila sa unahan.
Solo sa tuktok ng Intramuros-based squad Lyceum sa 3-0.
Pakay naman ng defending champion San Beda na sakmalin ang three-game winning streak laban sa Letran sa main game.
Pinamunuan ni CJ Perez ang opensa ng Pirates sa kinanang 20 points, si Jesper Ayaay na may 17 points ang bumira ng krusyal na tres nang itakas ang mahirap na panalo laban sa Stags.
Unang tinimbog ng Pirates ang JRU Bombers, 96-75, sunod ang Red Lions, 96-91. Kasama ng Baste at Lyceum, sila ang top four NCAA teams sa FilOil Premier Cup noong nakaraang buwan.
Para kay Pirates coach Topex Robinson ay hindi pa tapos ang laban, nag-uumpisa pa lang ang giyera.
“You can’t win the championship in just three games. We have to keep working harder and stay hungry to sustain this winning,” saad ni Robinson.
Inaasahang mapapalaban ang Pirates sa last year’s runner-up Arellano U (2-1).
Galing sa panalo ang Chiefs, tinibag ang Heavy Bombers, 73-72, sa game-winner ni Kent Salado.
Markado si Salado ng Pirates dahil sa kinanang game-best 25 points, six rebounds at eight assists sa panalo ng Chiefs.
“This is his team now and he is proving that he is capable of carrying this team,” patungkol ni Arellano mentor Jerry Codinera kay Salado.