Mga laro sa Aug. 1 (FilOil Arena, San Juan)
8:00 a.m. — CSB vs. Lyceum (jrs)
10:00 a.m. — Arellano vs. Letran (jrs)
12 noon — CSB vs. Lyceum (srs)
2:00 p.m. — Arellano vs. Letran (srs)
4:00 p.m. — Perpetual vs. SSC (srs)
6:00 p.m — Perpetual vs. SSC (jrs)

Naudlot ang tangkang pagsikwat ng Lyceum of the Philippines ng panlimang sunod na panalo matapos makansela ang lahat ng laro kahapon sa 93rd NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan.
Dalawang araw nang namiminsala ang bagyong Gorio, Huwebes ay kanselado na ang mga nakaiskedyul na laro sa San Sebastian gym sa Quiapo.
Makakalaban sana ng league leader Pirates (4-0) ang kapitbahay sa Intramuros na Mapua (1-3).
Gabi pa lang ng Huwebes ay sinabi na ni League Management Committee chairman Fr. Glyn Ortega, OAR na kanselado ang mga laro kahapon (Biyernes)
“Due to bad weather and suspension of classes and for the welfare of our students and supporters, NCAA games tomorrow (Fiday) July 28 are cancelled,” saad ni Ortega sa text message.
Malamang sa dulo ng first round ng eliminations ikakasa ang mga nakanselang laro.
Kapag maganda ang panahon sa Martes, ilalarga ng NCAA ang banatan ng St. Benilde at Pirates, katapat ng Arellano ang Letran, habang maghaharap ang Perpetual Help at San Sebastian.