Mga laro ngayon (FilOil Flying V Center)
12:00 noon — Letran vs. Perpetual (jrs)
2:00 p.m. — Letran vs. Perpetual (srs)
4:00 p.m. — JRU vs. Arellano (srs)
6:00 p.m. — JRU vs. Arellano (jrs)

Tatlong black eye ang inabot ng San Beda College sa 93rd NCAA basketball tournament dahil bukod kina combo guard Robert Bolick at Clint Doliguez ay kasama rin si head coach Boyet Fernandez sa napatawan ng one-game suspension.

Matatapos na lang ang laro nang magkagulo pa sa FilOil Flying V Center sa San Juan noong Martes dahil sa delikadong foul ni College of Saint Benilde cager Carlo Young kay Bolick.

Sa ibinabang desisyon kahapon ng NCAA, binigyan ng suspensions sina Young at Bolick dahil sa gulong nangyari sa panalo ng San Beda, 72-58.

Sumalaksak si Bolick galing sa fast break, kinapitan ni Young sa leeg at ­hinatak pababa.
Normal na reaksyon — umusok sa galit si Bolick.

Hindi makakalaro si Young sa ­blazers sa Biyernes kontra league leader­ Lyceum.
Pumasok naman si Doliguez sa playing court habang nagkakagulo.

Suspended rin si Fernandez sa pagpuna sa paghawak ng game officials sa sitwasyon.

Tuloy ang giyera sa NCAA ngayon, palalakasin ng JRU at Letran ang kapit sa magic four.

Nasa No. 3 ang Heavy Bombers (6-3) at haharapin ang Arellano (3-6) sa pangalawang laro, pagkatapos ng date ng fourth-running Knights (5-4) at Perpetual (3-6).