Nabigo ang San Beda sa asam nilang eight-peat sa juniors division ng nakaraang NCAA Season matapos yumuko sa eventual champion Mapua.

Nabigo ang San Beda sa asam nilang eight-peat sa juniors division ng nakaraang NCAA Season matapos yumuko sa eventual champion Mapua. Kaya misyon ng Red Cubs na maibalik sa kanilang bakuran ang koronang matagal na nilang hinahawakan.

Subalit bahagyang mahihirapan ang Cubs dahil apat na key players nila ay may injuries, ito’y sina Germy Mahinay, Ry dela Rosa, Robi Nayve at Eduardo Velasquez, Jr.

“Our preparation has been hampered by these injuries,” saad ni San Beda coach JB Sison kahapon sa PSA Forum sa Golden Phoenix Hotel sa Pasay City. Dahil bawas ang armas, sasandalan ng San Beda sina Samuel Abu Hijle, Evan Nelle, Joshua Tagala, Prince Etrata at Pedro Alfaro III.

Kasalukuyang pinakamaraming juniors championship ang San Beda, may 23 sila kasama ang seven-peat feat mula 2009 hanggang 2015. Sunod ang Mapua na may 19 crowns kasama ang pagkaldag sa San Beda sa three-game series nakaraang taon.

Para kay Sison, Mapua pa rin ang title favorite. “Of course, Mapua is the team to beat with an almost intact line up. La Salle-Greenhills, San Sebastian and Letran have also improved,” ani Sison. Sa Linggo ang umpisa ng Juniors, magkakaldagan ang San Beda at San Sebastian sa ala-una ng hapon habang magkatapat ang Mapua at Arellano U sa alas-tres.