Tapos kanselahin ang kabuuan ng Season 95 sa taong ito, hindi muna masisilayan ang NCAA Season 96 sa kasalukuyan ding taon dulot din ng Cocid-19.

Ipinahayag nina NCAA policy board president Rev. Fr. Clarence Victor Marquez at NCAA Season 96 chairman Rev. Fr. Victor Calvo, na sa susunod na taon na muli itutuloy ang bagong season (96th) sa collegiate league kung saan Letran pa rin ang magiging host.

Magsisimula anila ang nasabing season sa unang yugto ng 2021, ngunit subject pa sa desisyon ng gobyerno kung papayagan na ang mga team sport kasabay ng pagsunod sa safety and health protocol.

Apat lang ang mandatory sport na lalaruin sa Season 96, ang basketball, volleyball swimming at track and field. Posibleng mapasama ang online chess at e-sports. (Raymark Patriarca)