Mga laro ngayon: (Filoil Arena, San Juan City)
2 p.m. — NCAA All-Star Side Events
4 p.m. — NCAA All-Star Game
Magkakampihan muna ang mga magkalaban upang bigyan ng kasiyahan ang mga fans sa magaganap na fourth annual NCAA All-Star Game ngayong araw sa Filoil Flying V Center, San Juan.
May bagong format, papalitan ang East vs West showdown ng Heroes vs Saints sa nasabing exhibition match.
Magsasanib-puwersa ang magkaribal na sina Rey Nambatac ng Letran at Robert Bolick ng San Beda upang akbayan ang Saints All Stars kasama ang mga players na galing sa eskuwelahan na may saint-based names tulad ng San Sebastian, College of St. Benilde at Perpetual Help.
Makakatuwang nina Nambatac at Bolick sina San Beda stars JV Mocon at Davon Potts, Letran aces Bong Quinto at JP Calvo, Gab Dagangon, Prince Eze, GJ Ylagan ng Altas, Kevin Baytan, Ian Valdez at Alvin Baetiong ng Stags at Edward Dixon, JJ Domingo at Gerard Castor ng Saint Benilde.
Ibabandera naman ng Heroes squad sina CJ Perez ng Lyceum of the Philippines at Kent Salado ng Arellano.
Ang ibang miyembro ng Heroes team ay sina Allen Enriquez at Lervin Flores ng Arellano U, Pirates cagers MJ Ayaay at Mike Nzeusseu, Jerome Garcia, Francis Munsayac at Sidney Onwubere ng Emilio Aguinaldo College, Ervin Grospe, Gio Lasquety at Teytey Teodoro ng Jose Rizal University at Christian Bunag, JB Raflores at Laurenz Victoria ng Mapua University.
Sasalang si Cameroonian swing man Arnaud Noah ng San Beda sa slam dunk upang maibalik sa kanya ang titulo, na asahang magiging mahigpit na karibal si Flores.
Idedepensa naman ni AC Soberano ang kanyang titulo sa three-point shooting, kasali rin ang last year’s runner up Wilson Baltazar ng LPU at RK Ilagan ng San Sebastian.
Paniguradong magkakaroon ng bagong kampeon sa Skills Contest dahil ang last year’s champion na si Darrell Menina ay tumawid sa bakuran ng National University.
Markado naman si JC Marcelino ng Lyceum sa nasabing event.