NCAA track records nagbagsakan

Isang discus ­thrower at dalawang pares ng long jumpers ang bumasag ng nakatagong record sa 92nd NCAA track and field competition sa PhilSports Complex.

Binura ni Tyrone ­Execquiel ng EAC ang 11-year meet record na 40.00 meters ni ­Randolph Hernandez ng Letran noong 2006 matapos irehistro ang 42.69 sa secon­dary boys discus throw.

Sinilo ni Gideon ­Arellano ng San Beda ang silver sa 42.67m, ­nakuntento sa bronze ang San Sebastian.

Nagpakitang-gilas sina Miller Manulat ng JRU at Julian Seem Fuentes ng College of Saint Benilde sa juniors at ­seniors long jump mark.

Tinarak ni ­Manulat ang 6.83m para ­ungusan ang  6.77m mark ni John Resty Lorenzo ng San ­Sebastian tatlong ­seasons na ang nakalipas, nilam­pasan ni Fuentes ang ­sar­iling record na 7.42m na kinana noong nakaraang taon matapos irehistro ang 7:59m.