NCAA: TT KINAPITAN NG HEAVY BOMBERS

Standings        W      L
LPU                 8      0
SBC                 7      1
JRU                 5      3
CSJL                5      4
SSC-R              4      5
EAC                  3      5
UPHSD             3      5
AU                    2      5
CSB                  2      6
Mapua              1      6

Mga laro ngayon:
(Filoil Arena, San Juan)
8:00 a.m. — CSB vs AU (jrs)
10:00 a.m. — LPU vs MU (jrs)
12:00 nn. — CSB vs AU (srs)
2:00 p.m. — LPU vs MU (srs)
4:00 p.m. — EAC vs UPHSD (srs)
6:00 p.m. — EAC vs UPHSD (jrs)

Hiniya ng Jose Rizal­ University ang San Sebastian College sa kanilang lugar matapos sikwatin ang 73-62 panalo kahapon sa 93rd NCAA basketball tournament sa San Sebastian Gym sa Quiapo, Manila

Sumandal ang Heavy Bombers sa kanilang mahigpit na depensa habang si Teytey Teodoro ang kinapitan nila sa opensa upang hablutin ang three-game winning streak at kapitan ang 5-3 karta.

Ilang larong nanahimik sa opensa si Teodoro, bago nagpaputok ng 19 points kasama ang pandiin ng triples para paypayan ng Jose Rizal ang solo third place sa team standings.

Kumalas ang kalentong-based squad sa pagkakatali sa 58-all matapos pangunahan ni Teodoro ang 15-4 run kasama ang back-to-back treys nito at alisin ang JRU sa delikadong sitwasyon.

“If he wants to play, nobody can stop him,” pahayag ni Jose Rizal coach Vergel Meneses kay Teodoro.

Dahil hirap lusutan ang depensa ng Heavy Bombers, napipilitang tumira sa tres ang Baste.

Kumana si Abdulwahab Abdulrazak ng season-best 13 markers at pitong rebounds habang may 10 at nine points sina Ervin Grospe at Jed Mendoza ayon sa pagkakasunod.

Si Jayson David ang namuno sa opensa para sa San Sebastian matapos irehistro ang 18 markers at anim na rebounds.

Hindi nakalaro si Michael Calisaan para sa SSC dahil naparusahan ito ng one-game suspension.

Mga iskor:

Jose Rizal 73 – Teodoro 19, Abdul Wahab 13, Grospe 10, Mendoza 9, Bordon 7, Poutouochi 5, Lasquety 4, Sawat 4, dela Virgen 2, Mate 0, David 0, Mariano 0, Castor 0

San Sebastian 62- David 18, Bulanadi 14, Navarro 13, Gayosa 6, Ilagan 3, Baytan 3, Baetiong 2, Capobres 2, Are 1, Calma 0, Valdez 0, Quipse 0

Quarterscores: 12-17; 30-25; 52-42; 73-62.