Bagama’t pinanindigan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na walang namo-monitor ang pulisya na posibleng presensya ng ISIS sa Metro Manila ay paiigtingin pa rin nito ang intelligence efforts.
Ito ang inihayag ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde kahit wala silang natatanggap na impormasyon kaugnay nito.
Dagdag pa ni Albayalde, dadagdagan ng pulisya ang kanilang intelligence efforts para patuloy na ma-monitor ang mga terror groups partikular ang nakabase sa Mindanao.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Indonesian Defense Minister Ryamizard Ryacudu na hindi baba sa 1,200 ISIS fighters ang nasa 40 Indonesians ang nasa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, patuloy ang bakbakan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at ng Maute Terror Group na nauna nang napaulat na kaalyado ng ISIS sa bansa.