Tila nagpagod lang ang mga pulis na itinalaga sa mga ‘quarantine checkpoint ‘ sa Metro Manila makaraang aminin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Maj. Gen. Debold Sinas na palyado at hindi ‘accurate’ ang ‘reading’ ng mga ginagamit nilang thermal scanner.
Ayon kay Maj. Gen. Sinas, hindi na nila kinukunan pa ng temperatura ang mga motoristang dumaraan sa checkpoint dahil hindi na tama ang reading thermal scanners nila lalo kapag mainit ang panahon.
“Karamihan talaga, dahil sa init, lalo na kapag naka-motor ka, hawak mo ‘yong helmet mo, kapag nabuksan ‘yan, talaga ang temperature ng tao mataas,” giit ni Sinas sa isang virtual press briefing nitong Linggo.
“Kung ganoon, useless, hindi namin pinapakuha, sayang ‘yung effort,” dagdag pa ng NCRPO chief.
Nabatid na sa kasalukuyan ay wala pa umanong alternatibong gamit ang NCRPO para sa mas accurate na pagkuha ng temperatura sa mga dumaraang motorista sa itinatag na checkpoint sa mga lugar sa Metro Manila.
Magugunitang ang thermal scanner ay ipinagamit sa mga itinalagang pulis sa mga checkpoint upang suriin ang bawa motorista o bawat indibiwal na daraan kung may lagnat upang mamonitor at agad na masawata ang pagkalat ng COVID-19. (Dolly B. Cabreza