Nadakip kahapon ng militar ang consultant ng National Democratic Front (NDF) at isa pang lider ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa checkpoint sa Davao City.
Kinumpirma ito ng Eastern Mindanao Command na nasabat nila sina Ariel Arbitrario at Roderick Mamuyac sa Barangay Sirawan sa Toril district matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa mga sibilyan.
Kabilang si Arbitrario – na isang secretary ng NPA guerilla front sa Mindanao – sa 20 mga lider ng NPA na pinalaya ni Pangulong Duterte upang makilahok sa peacetalks, si Mamuyac naman ay regional liaison officer ng rebeldeng grupo sa southern Mindanao, ayon kay army Major Ezra Balagtey, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command.
Wanted din umano si Mamuyac sa kasong pagpatay.