NDRRMA bill pambatong panlaban sa kalamidad

LEGAZPI CITY — Inihain sa Kongreso ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang isang panukalang batas na tinagurian niyang ‘pinakamahusay na tugon at panlaban sa mga kalamidad.’

Layunin ng panukalang batas ni Salceda, House Bill 1648, ang pagtatatag ng National Disaster Risk Reduction and Management Authority (NDRRMA),” isang independyenteng ahensya na tututok sa lahat ng mga kailangan bago dumating ang mga kalamidad, at laban sa pananalasa at matapos manalasa ito. Ang ahensiya ay itatalaga sa ilalim ng Office of the President.

Aamyendahan ng House Bill 1648 ang RA10121 na siyang kasalukuyang batas para tugunan ang mga kalamidad at pahusayin at palakasin ang disaster risk reduction (DRR) and management system ng bansa.

Ayon kay Salceda, babaguhin ng NDRRMA ang maraming bagay sa pagtugon at pangangasiwa sa mga kalamidad.

Inilantad ng mga ito ang kahinaan ng batas, lalo na sa ugnayan ng pagpaplano sa pambansa at lokal na antas na ang bisa sana ay nakatulong para mapadali ang pagtugon sa mga suliranin.