Kinondena ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang pahayag ng Natio­nal Economic Development Authority (NEDA) na P127 isang araw ang pamantayan ng badyet sa pagkain para sa pamil­yang Filipino. Isang insulto umano ito sa mga manggagawa na dapat ay bawiin nito at humingi ng paumanhin sa publiko.

Nag-ugat ito sa pahayag ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na ang pamantayan ng pamumuhay para sa isang pamilyang Filipino na may limang miyembro ay P10,000 lamang sa isang buwan, kung saan P3,834 lamang ang kailangan na pagkain o P127 isang araw lamang.

“We condemn this argument as inaccurate and a grave mistake. This is an affront to millions of poor Filipinos. We demand that the NEDA retract this out of touch statement and we are demanding that Undersecretary Edillon to apologize in public for insulting all of us with such a very low government standard of living and for taking the dignity of poor Filipino family to the lowest level,” paha­yag ni Alan Tanjusay, taga­pagsalita ng ALU-TUCP.

Sinabi ni Tanjusay na dapat itakda ng pamahalaan ang pamantayan sa isang katanggap-­tangap na antas pagkatapos makita ang nagaganap na reya­lidad ng pamumuhay.

Ang pamantayan ng pamumuhay para sa isang pamilyang Filipino ng lima ay dapat nasa P1,200 sa isang araw at P400-P600 kada araw ng ha­laga na dapat mapunta sa gastusin sa pagkain lamang.