Nanlumo na lamang ang mga magsasaka nang inamin ni National Economic and Development Authority assistant secretary Mercedita Sombilla na wala pang malinaw na plano ang pamahalaan kung paano aalalayan ang mga magsasaka sakaling matambakan ang merkado ng imported rice, ang kanilang pinakamalaking pangambang dadalhin ng Rice Tariffication Law na akda ni Senator Cynthia Villar.

Sabi ni Federation of Free Farmers national manager Raul Montemayor, pinakikita nito na sukdulan ang kapalpakan at kawalang pakialam ng NEDA, ang pangunahing nagsulong ng Rice Tarrification Law sa ehekutibo. Kung alam nilang babagsak ang presyo ng bigas dahil sa mga import at babagsak ang presyo ng palay at malulugi ang mga magsasaka, ngayon nila aaminin na wala silang konkretong plano pero isusulong pa rin nila ang implementing rules and regu­lation para maipatupad na sa March 5.

“They were saying all along that rice prices would drop due to cheaper imports, so they also knew that palay pri­ces would go down proportionately. But now a top NEDA official is saying that the government does not yet know what to do in case palay prices drop signi­ficantly. And yet NEDA has been pushing aggressively for the early issuance of the IRR so that importers can start bringing in cheaper rice,” sabi ni Montemayor.

Kumpiyansa naman si Department of Finance Assistant Secretary Antonio Joselito G. Lambino II na malaki ang maitutulong sa mga magsasaka ng rice tariffication law na magiging epektibo na mula ngayong Lunes, Marso 4.