Negosyante dedo sa welding machine

PATAY ang isang negosyante matapos makuryente habang nagwe-welding sa Barangay 22, San Guillermo, San Nicolas, Ilocos Norte noong Martes.

Kinilala ng San Nilocas Police Station ang biktima na si Jerry Baga, 43, may-ari ng isang welding shop, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagwewelding ang biktima sa bahay niya ay aksidenteng nakuryente ito sa welding machine. Tumama pa umano ang ulo nito sa semento na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Agad na dinala agad Baga sa Black Nazarene Hospital pero naideklara itong dead-on-arrival ayong kay Dr. Anne Margarette Abuluyan. (Allan Bergonia)