Patay ang isang kilalang negosyante ng Calamba City at kanyang bodyguard matapos pagbabarilin kahapon ng mga di nakilalang suspek sa parking lot ng Biñan Cockpit Arena sa Barangay Tubigan, Biñan, Laguna.

Kinilala ang mga nasawi na sina Lorenzo Fajardo y Molinar alyas George, 62 anyos, residente ng Fajardo Compound, Brgy. Bunggo, Calamba City at ang bodyguard nito na si Jordan Ali y Arcano, alyas Andrew, 31-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Biñan Police, pasakay na ang  mga biktima ng kanilang sasakyan na isang bullet proof Toyota Camry ng lapitan ang mga ito ng mga suspek at malapitang pinagbabaril.

Nagtamo ang mga biktima ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at isinugod sa ospital subalit hindi na sila umabot buhay.

Nahagip din ng ligaw na bala sa pamamaril ang barangay tanod na si Arnel Espillardo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo