Negosyante na nagtangkang paglusot ng alak kalaboso

Hindi nakalusot ang isang lalaki sa enhanced community quarantine (ECQ) checkpoint sa mga pulis nang tangkain nitong ipuslit ang nasa 30 karton ng alak sa bayan Sta. Ana, Cagayan noong Lunes.

Kinilala ng Sta. Ana Police Station ang suspek na si Michael Macarubbo, 37-anyos, negosyante, ng Brgy. Centro, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis at mga tanod sa Brgy. Casambalangan, Sta. Ana nang dumaan si Macarubbo.

Dito, pinara si Macarubbo upang makita ang kanyang kargamento at doon nakita ang 30 kahon ng alak.

Batay sa naging salaysay ng suspek sa mga awtoridad, kinuha umano niya ang mga alak na nagkakahalaga ng P30,000 sa bayan ng Sta. Teresita at dadalhin sa kanyang puwesto.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa ECQ law at sa implementasyon ng liquor ban. (Allan Bergonia)