Sa loob ng kanyang kambingan pinaslang ng ‘di kilalang salarin ang isang negosyante sa Purok 5, Brgy. Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni P/Chief Inspector Joel de la Cruz, nakilala ang biktima na si Enrico Burgos Silverio, 51-anyos, may-ari ng Sagoat Kita Rico’s Kambingan sa naturang lugar.
Nabatid na dakong alas-5:15 ng hapon, nasa loob ng kanyang puwesto ang biktima nang dumating ang salaring nakamotorsiklo na walang plaka.
Nagkunwa umanong kustomer ang salarin at um-order pa sa biktima kung saan habang iginagayak ang order nito ay agarang bumunot ng baril at isinagawa ang pamamaril dito.
Mabilis na tumakas ang salarin pagkaraang isagawa ang pamamaslang.