Patay ang isang negosyante at umano’y tiyuhin ni Batangas City Mayor Beverly Dimacuha-Mariño matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek sa Batangas City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Ruben Dimacuha, 81, kapatid ni ex-mayor Eddie Dimacuha ng Batangas City.
Ayon sa report, dakong alas-6:30 ng gabi habang nakaupo sa harap ng RD Marketing office sa Diversion road Barangay Balagtas si Dimacuha nang pagbabarilin ng mga di nakilalang suspek.
Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib at braso si Dimacuha at naisugod pa sa ospital subalit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.