LUPAO, Nueva Ecija — Dalawang tama ng baril ang ikinamatay ng isang babaeng negosyante na pinagbabaril bago makadalo sa church service noong Linggo ng umaga sa Purok Luzon, Brgy. San Pedro sa bayang ito.
Batay sa ulat, nakilala ang biktimang si Rowena de Guzman Magno, 51, residente ng Brgy. Poblacion North.
Nabatid na dakong alas-8:30 ng umaga sakay ang biktima ng tricycle at kahihinto lang sa tapat ng simbahan sa Brgy. San Pedro nang lapitan ng riding-in-tandem at paputukan saka mabilis na tumakas pagkaraan ng pamamaslang.
Isang puspusang imbestigasyon ang ipinag-utos ni Mayor Quintin Caspillo sa pangyayari.