Isang negosyante na itinuturing na no. 1 most wanted person sa municipal level at ang kinakasama nito ang dinakip sa isinagawang raid ng pulisya sa Aparri, Cagayan.
Kinilala ni Chief Insp. Pepito Mendoza, Jr., hepe ng Aparri Police Station ang mga suspek na sina Ferdinand Barasi at ang live-in partner na si Ladsla Cababa, kapwa residente ng Barangay Macanaya.
Inaresto ang mga suspek sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte sa kanilang tinutuluyang apartment kung saan narekober ang 13.82 gramo ng shabu, 13 live ammunition ng caliber .45 na baril at iba pang mga drug paraphernalia.
Kapwa naman nagpositibo sa drug test ang mag-live-in partner.