Negrong Kano nag-amok sa jeep

timbog

Diniretso sa Manila Police District-Police-Station 6 ng isang driver­ ang pasahero nitong isang negrong American national matapos magwala sa loob ng jeep at saka natulog sa flooring kahapon sa Sta. Ana, Maynila.

Itinurn-over naman ng MPD-PS6 sa MPD- General Assignment Investigation Section ang suspek na si Gilbert Rufus Brown III, ng Lousiana USA.

Ayon kay Police Capt. Arnold Echalar, hepe ng MPD-GAIS, alas-7:30 ng umaga nang sumakay si Rufus sa pampasaherong jeep ni Gelbert Glermada, 31, driver, taga-Punta, Sta. Ana na may rutang Sta. Ana-Padre Faura.

Patungo na umano si Glermada sa Sta. Ana nang sumakay si Rufus.

Pagsapit sa riles ng tren sa San Andres, bigla na lang umanong nag-ala Rambo ang dayuhan kaya nagkanya-kanyang lundag sa sasakyan ang ilang pasahero.

Kasunod nito, biglang humiga sa flooring ng jeep si Rufus sabay tulog kaya idiniretso ng driver ang minamanehong sasakyan sa MPD-PS6 at ipi­nadampot ang suspek.(Juliet de Loza-Cudia)