Negros bet mission accomplished sa Nat’l Open

Umugong ang pa­ngalan ni rising star Jose Jerry Belibestre ng Neg­ros matapos basagin ang matagal nang natutulog na record kahapon sa Ayala Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa Ilagan Sports Complex sa Ilagan, Isabela.

Ipinakita naman nina veterans Marestella Torres-Sunang ng Philippine Army at Julius Sermona at Air Force na kaya pa nilang sumabay sa mga batang athletes.

Nirehistro ni Belibestre, third-year BS Education student sa University Negros Occidental-Recoletos sa Bacolod City, ang 7.43 meters sa boys long jump event para sungkitin ang gold medal at burahin ang 18-year-old record ni Joebert Delicano sa Arafura Games sa Darwin, Australia noong 1999.

“I prepared hard for this tournament and I am eyeing not just to win the gold, but also to break the record,” wika ni Belibestre. “That’s my goal. I always go for breaking records.”

Nilista ni Torres-Sunang ang 6.14 meters sapat para masilo ang gold sa women’s long jump. Nag-light workout lang daw siya.

“My performance in this tournament is below my personal best of 6.72 meters, but it’s okay,” ani Torres-Sunang. “My goal is to reach my peak in time for the SEA Games in August. I still have time. There’s nothing to worry.”

Umarangkada sa final four-kilometer mark si Sermona para ikuwintas ang ginto sa men’s 10,000-meter run.

Naorasan ng 33 mi­nutes, 29.78 seconds ang 38-anyos na si Semona na lumaban noong 2009 sa SEA Games sa Laos.

Ang annual tourney na inisponsoran ng Ayala Corporation, Milo, Philippine Sport Commission at International Amateur Athletics Federation bilang co-presentors ang final tryout ng mga mapapasama sa national team na sasabak sa Kuala Lumpur SEAG sa August.