Nagpahayag ng pakikiisa ang isang mataas na opisyal ng Simbahang Katolika sa Negros Occidental sa mga nananawagan laban sa operasyon ng mga coal-fired power plant sa bansa.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na pinakamagandang pamasko para sa ating kabataan kung mawawala na ang mga coal-fired power plant.
Ayon sa kanya, nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran, pagkasira ng agrikultura at mga pangisdaan ang mga coal-fired power plant dahilan para mawalan din ng kabuhayan ang mga apektadong kababayan.
“Coal-fired power plants degrade the air with heavy metals, particulate matter, and poisonous gases. Coal fuels the ecological crisis through the destruction of land and water resources in order to mine, transport, and store coal. Thus, communities who rely on agriculture and fishery lose their livelihood and become even more destitute,” ani Bishop Alminaza.
Pinakamagandang regalo aniya na maibibigay ngayong Kapaskuhan ay ang pagtalikod sa paggamit ng mga coal-fired power plant.