Iniutos ng Office of the Ombudsman ang pagsuspinde ng 9 na buwan kay Tanjay City, Negros Oriental mayor Lawrence Teves matapos mapatunayang guilty sa pagbili ng construction materials noong 2011 na hindi dumaan sa bidding.
Maliban kay Teves kabilang din sa kinasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) sina Punong Brgy. Denver Bokingkito, General Services Officer Bogard Colina at dating Sangguniang Kabataan FeĀderation President Mar Francis Saguran.
Sa datos ng Ombudsman Visayas bumili umano si Teves ng construction materials na nagkakahalaga ng P280, 876.34 para sa pag-repair ng kanal sa Brgy. 5 at 6 nang hindi idinaan sa Bids and Awards Committee na malinaw na paglabag sa R.A. No. 9184.