Negros vice mayor tinuluyan sa korapsiyon

Ibinasura ng San­diganbayan ang motion to dismiss ni Valladolid Negros Occidental Vice Mayor Tomel Yogore kaugnay sa kinaharap nitong kasong graft.

Sa resolusyon ng Seventh Division ng anti-graft Court, nakasaad na walang merito ang inihaing motion for leave to file demurrer to evidence ni Yogore at sa halip ay nakakita sila ng sapat na basehan para madiin ito sa kasong paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

May kinalaman ang kaso sa ­sinasabing pagbili ng mga construction supply na hindi dumaan sa public bidding noong 2009 habang nakaupo siyang alkalde.

“All told, this Court finds that the pro­secution presented sufficient evidence to sustain the indictment against the accused, and it is not up to the accused to establish their defense,” ayon sa Sandiganbayan.