Neil todo iwas sa detalye ng kasal kay Angel

Dumalo na si Neil Arce sa mediacon ng prodyus niyang pelikula.

Siyempre, hindi siya nakaligtas sa tanong kung kailan na ba ang kasal nila ni Angel Locsin.

Pero knowing kung gaano nga ­kailag sa press si Neil ever since, umiwas ­siyang ­sagutin ang tanong at ikinatwir­ang ­pagagalitan daw siya pagdating sa bahay.

“I am not going to divulge any ­information na mapapagalitan ako ­pagdating ko sa bahay, thank you very much,” ang nakangiting sabi ni Neil.
After the Q&A portion ay nilapitan siya ng press para makapanayam, pero para siyang nakipag-patintero sa kaiiwas sa interview.

As we all know, engaged na sina Neil and Angel pero ‘yun nga, wala pa silang ina-announce na date ng kasal or anumang detalye.

Aiko lantaran ang kalungkutan

Mukhang may pinagdadaanan si Aiko Melendez base na rin sa kanyang recent IG post ­tungkol sa pagiging strong woman.

“I’m a strong woman. Everything that’s hit me in life, I’ve dealt with. I’ve cried ­myself to sleep, picked myself back up. I’ve grown from things meant to break me. I get stronger by the day and I have God to thank for that. Amen,” ang nakasaad sa art cart na ipinost ni Aiko.

Sa caption, inamin ni Aiko na malungkot siya and emotional lately because of some ­pressures.

“This quote best explains, How am ­really feeling now. Just like any ­ordinary ­individual, Actors like me, go through highs and lows. Am a bit in the middle of ­being sad and ­emotional ­lately. So many unexpected pressures.

“Still, I ­remain to be strong for my Kids. For my love ones. No one ever said Life is always easy. Its just a matter of being with the ­surrounding ­people who will support and bring you up while you feel down.

“This is just a phase… I know myself. Thank you in ­advance to all the people who will send me messages to uplift me. Salamat ­kelangan lang cguro mag time check dn ako. Thank You Lord I need you most,” ang caption ni Aiko na nilagyan pa ng sad emoji.

We just don’t know kung may kinalaman sa love life ang pinagmumulan ng kalungkutan ni Aiko pero the last time na humarap siya sa press at the mediacon of “Prima Donnas” ay sinabi naman niyang okay naman sila ng boyfriend na si ­Zambales Vice Governor Jay Khonghun.