Mapapabuntong-hininga at manlalaki ang mata ng sinumang hot blooded male na makakakita ng kagandahan at makurbang katawan ni Nellys Pimentel.
Sa Instagram post ni Nellys recently, nag-display siya rito ng kanyang pambatong alindog. Sadyang katakam-takam ang kaseksihan dito ng dalaga sa suot niyang two-piece swimsuit.
Si Nellys na isang Puerto Rican ay ang reigning Miss Earth 2019. Siya ay mayroong bachelor’s degree sa Psychology sa University of Puerto Rico.
Ang kanyang kakaibang taglay na kariktan plus ang whistle bait niyang figure ay isang magandang tanawin para sa maraming mga kalalakihan. Kaya hindi kataka-taka kung maging laman siya ng pantasya ng maraming boys.
Siya ang tipo ng babaeng hindi pagsasawaang bistahan ng bawat lalaki, isa siyang total package, kumbaga. Ang tulad ng porma ni Nellys ay tumatatak sa isipan ng maraming member ng opposite sex.
Walang dudang bibilis ang tibok ng puso ng sino mang lalaki na makakasilip sa hotness ni Nellys. Pampagising sa mga natutulog na ugat ng sinumang barako ang maka-tulo laway niyang kaseksihan. (Nonie Nicasio)