Dahil lamang sa pisong halaga ng isang kendi ay nasira ang magandang kinabukasan ng isang 8-anyos na batang babae matapos umano itong halayin ng isang la­laki sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni ni Police Senior Insp. Rosalitt Avila ng Malabon City Police  Women and Childrens Protection Desk (WCPD) alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek na si Roger Marabiran sa Barangay Concepcion ng nasabing lungsod.

Nakikipaglaro umano sa mga kaibigan ang biktimang itinago sa pa­ngalang Eury, nasa u­nang baitang sa elementarya at residente rin ng nasabing lugar nang tawagin ng suspek at sinabihang bibigyan umano siya nito ng candy ngunit nasa loob umano ng kanyang bahay kaya’t sumama ang paslit.

Pagdating umano ng mga ito sa loob ng bahay ng suspek ay bigla na lamang na nagsara ng pintuan at bintana ang suspek saka mabilisang hinubaran at ginahasa ang biktima na tila natulala sa nangyari.

Matapos na maisakatuparan ng suspek ang maitim na balak sa biktima ay inilabas na rin nito ang candy na ipina­ngako niyang ibibigay saka pinauwi ang bata.

Nang makarating sa bahay ay tila wala sa sa­riling tuloy-tuloy lang na pumasok sa kanilang pintuan ang paslit na agad namang napansin ng kanyang ina at inusisa ang anak na halos hindi makapagsalita at nang makita ng ina ang candy na nasa kamay nito ay pi­lit niyang itinanong kung saan ito galing, doon na sinabi ng biktima na i­binigay umano iyon sa kanya ni Marabiran kapalit ng ginawang kahalayan sa kanya.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang ina ng biktima at mabilis na nagtungo sa himpilan ng kanilang barangay na mabilis ding umaksiyon at ipinaaresto ang suspek saka idiniretso sa himpilan naman ng pulisya.

One Response